Biyernes, Enero 23, 2009

Linggo, Nobyembre 9, 2008

memo galing kay daddy G

habang nag-iikot ako sa woldwaydweb at nagtatampisaw sa mga sanaysay na iniluwal ng mga naggagandahang kaisipan napuwing ang mga mata kong malapit-nang-magmura-dahil-limang-oras-pa-lang-ang-pahinga ng isang akda'ng ito, at dahil likas na mahilig mamahagi ng hindi kaniya, ninakaw ko ito ng walang paalam.. at inangkin.


A MEMO FROM GOD


I am GOD,
today I will be handling all of your problems, please remember that
I don’t need your help.
if life happens to deliver a situation to you that you cannot handle, do not attempt
to resolve it.
kindly put it in the SFGTD ( Something For God To Do ) box. All situations will be
resolved , but in My time , not yours.
once the matter is placed in the box , do not hold on to it by worrying about it.
instead,focus on all the wonderful things that are present in your life now.
if you find yourself stuck in traffic, don’t despair.

there are people in this world
for whom driving is an unheard-of-privilege.
should you have a bad day at work, think of the men who have been out of work.. for
years.
should you despair over a relationship gone bad, think of the person who has never
known what its like to love and be loved in return.
should you grieve the passing of another weekend, think of the woman in dire
straits, working twelve hours a day, seven days a week to feed her children.
should your car breakdown, leaving you miles away from assistance, think of
the paraplegic who would love the oppurtunity to take that walk.
should you notice a gray hair in the mirror, think of the cancer patient in chemo
who wishes she had hair to examine.
should you find yourself at a loss and pondering what life is all about, asking what
is my purpose, be thankful. There are those who didn’t live long enough to get the
opportunity.
should you find yourself the victim of other people’s bitterness, ignorance
smallness, or insecurities, remember, things could be worse, You could be one of
them!
should you decide to send this to a FRIEND, thank you. You may have touched
their life in ways you will never know..


wala naman talaga akong balak gahasain pa ang mga mata ako pero nabadtrip lang ako sa usapang tanghalian kaya lumayas ako ng apartment, binatukan ako ni papa jay, dinampot sa may garter ng brief at tinapon sa kinauupuan ko ngayon. aray.

ayan, instant post!

yow, dir lord, baka naman pwedeng mag-request na ma-promote ako bilang account manager ng company namin kahit mag-aapat na buwan pa lang ako, hehehe.. tutal may ginawa naman akong mabuti ngayong araw eh.. di ba naman? tex ka lang kung ano sagot mo. alas siyete pers breyk ko, meal breyk ko alas nuwebe.

Martes, Oktubre 28, 2008

mizkunasila

matagal na rin akong hindi nauwi ng pangasinan nami-miss ko na ang mga pinsan, pamilya, kaibigan, kaaway, titser ko sa elementari, tindero ng pandesal, ng taho, ng mani, ng kikiam, ng pisbol, mga pamangkin ko, mga niligawan ko, mga nanligaw sa akin, mga nambasted sa akin, mga binasted ko, mga sinapak ko, mga sumubok sumapak sa akin, aso kong si shuriken (na sumalupa na), mga kainuman ko, mga bebot na nakasakay sa dyip na kinakawayan ko at kumakaway pabalik sa akin, mga baka'ng dumadaan sa harapan ng haybol namin tuwing alas kuwatro ng hapon at nag-iiwan ng keyk sa kalsada, ang dati kong trabaho, mga dati kong katrabaho, mga hindi ko katrabaho, si padre, si mayor, si vice, sina konsehal, yung papaya sa tabi ng streetlight, yung streetlight sa tabi ng papaya, yung amoy ng lupa pagkatapos kong umihi pagkaraan kong uminom kagabi, yung tsinelas ko, yung mga cd ko, yung... yung... yung...
tanamits antok na ko.. at nasa pampanga pa rin.

Biyernes, Oktubre 24, 2008

kalas, kulasisi, kalaboso.

mga dapat tandaan pag gusto mo ng magpakasal:

-pag-isipang mabuti ang desisyon.
-pag-isipan ulet.
-pag-isipan pa.
-oo, pag-isipan pa rin.
-pag sawa ka na kakaisip pag-isipan mo pa rin.
-kung hindi pa sumasakit ang ulo mo at hindi ka pa nahihilo sa kakaisip kung gusto mo na talagang magpakasal ibig sabihin biased ka, sarili mo lang ang pinapakinggan mo. puno na ng tutuli ang kaliwang tenga mo, antataas na ng damo sa butas ng ilong mo, sa paligid ng puwet mo, sa kilikili mo, at mayroon ka ng myopia- ayaw mo ng tumingin sa malayo. dude, kailangan mo muna magpahangin at mamasyal..
-labas ka ng bahay at maglakad by the highway malay mo may masalubong kang jeep. pare, payo lang huwag mo salubungin yung jeep, hindi pa tapos itong post ko.
-madami kang aral na mapupulot sa mga signs at billboards, at baka makatulong pa sa pagsapit mo sa hinahanap-hanap-hanapa-hanap mong desisyon-sisyon-sisyon... sisyon.
-sisyon.
-makulit ba? ganyan ka dapat kakulit sa sarili mo. ang pagpapakasal ay isa sa mga pinakamabigat na baitang sa buhay. pero hindi ko pa sinasapit yan. eh ano ginagawa ko dito nagsususulat tungkol sa pagpapasakal?? ewan ko, lagi sinasabi ni lola mahirap mag-asawa eh. (kaya siguro nag-asawa si lola)
-unang sign na makaka-engkwentro mo: "BAWAL UMIHI SA PADER"
(ang pilipino sa pader madalas umihi kaya sa pader madalas nakasulat ang babala'ng ito. mahilig ako magdilig sa open space pero hindi ako pwedeng pagbawalan kasi hindi nila malaman kung paano isulat ang "bawal umihi sa hangin" isama mo pa "multa: p500.00, walang resibo").
aral: hindi bawal umihi sa pader, huwag ka lang magpapakita sa may-ari neto.
hindi bawal magpakasal, pero banggain mo muna ang mga pader.
-"DITO ANG BABAAN"
gusto mo na ba talagang bumaba? ang sarap mag-joyride sa pagiging single, tol.
-"HAPPY HOUR 11:00-4:00"
fontanamitz kelangan pa ba ipaliwanag yan?
-"APARTMENT FOR RENT"
walang metaphorical meaning, pare may sariling bahay ka na ba ha?
-"MAG-INGAT SA ASO"
mag-ingat sa aso, ingatan mo buhay mo, at ng taong niyayaya mong sumama sa iyo.
-"NO PRESERVATIVES ADDED"
(hindi mo makikita sa kalye to dude, sa lata at mga pakete po. sa gilid ng kalye at kalsada tumingin ka madaming nakakalat.)
maganda ang extenders at preservatives sa buhay ng dalawang pusong gustong magsama ng habambuhay. bahala ka na kung paano mo ipi-preserve ang samahan. (packing sheet corny yata isang ito.. )
-"SINANDOMENG p1000.00/kilo"
anamputik, pare ang hirap maghanap ng signs, ano nakapag-desisyon ka na ba ha?
-"WE DELIVER"
hindi pa ko nanananghalian pare last na muna ito next time ulet, huwag ka munang magpapakasal, to be continued to sa itutuloy!
aral: ano mang desisyon sapitin mo siguraduhin mong you deliver.

putik, may post na naman ako yahuuuuuu.

Miyerkules, Oktubre 8, 2008

grape juice

kagabi:

bantrip. na-log out ako sa avaya ko. mali daw napindot ko habang nasa lunch ako. ayoko maniwala.. kasi ma-pride ako. at hindi ako ulyanin, sa tingin ko.. siguro. pero na-log out na nga ko eh. ano ginagawa ng team-lead ko? WALA. kailangan ko pa ba i-detalye? HINDE. ginawa ko log-in ule ako at tumanggap ng tawag mula sa mga makukulit na kano, tutob ang mukha sa monitor, iniisip kung bakit hindi sisig ang ulam sa pantry, nagko-concentrate na halos mautot, sinusubukang pasabugin ang computer gamit ang kapanagyarihan ng mind power pero nakalimutan ko apat na four hours na lang at dose oras na kong gising.. pagkatapos ng tatlong oras na tulog kahapon. sige bukas ko na lang pasabugin.



kanina:

tulog.



kani-kanina lang:

nanuod ako ng white chicks. oo kanina ko lang napanuod yun. tas naligo. nagbihis. nagsipilyo. umalis.



ngayon:

nasa harap ng monitor siyempre. ano ba iniisip mo?



mamaya:

ewan di pa sigurado, may susunduin akong kaibigan sa terminal.. ng bus. walang tren sa pampanga eh.



ngayon ule:

nawi-wiwi ako walanghiya kailangan ko bumalik ng apartment!



moral lesson:

wala.



eto baka pwede:



"wag iinom ng isang pitchel na grape juice habang nanunuod ng dvd kung kakalimutan mo wumiwi at may pupuntahan ka pala kasi matataranta ka lang"

heto ang malupit na twist:
nung isang biyernes ko pa dapat pinoste ito. salamat sa grape juice.

Martes, Setyembre 23, 2008

ebon

isang anampuchang kuwelang umagang may hangober senyong lahat na hindi nagbabasa ng blog ko=) ang lubak hindi niyan iiwasan ang paa mo lalo pa't may tubig (buti na lang kamo yung lumang sapatos ang suot ko at hindi yung mas luma kasi pag nagkataon eh di nagkataon, di ba?).. yan ang natutunan ko nung isang araw, pagkatapos ma-badtrip sa apartment. yan ang masaklap na katotohanan sa buhay, ang echas (lalo na ng aso), chewing gum, epotz ng ibon, utot, at walang modo'ng babaeng hindi-tuwid-maglakad-takot-sa-manok-including-chickenudelsup-mukha-nga-siyang-pato-tanamitz, ay walang pinipili.. badtrip talaga, tatlong oras pa lang akong natutulog nang dumating ang fuschia'ng alien na may dalang bote ng alak at yelo, puta. biglang pumasok ang hindi-nagbabasa-ng-balat-ng-kendi-wrapper-na-pato sa apartment at nagsisisigaw ng "inom na tayo!" sumagot ang puwet kong banas ng "tainamu teka tagarito ka ba ha?!" ang gulo at ang ingay ng bwakanainaniya gusto'ng gusto ko sampalin ng puyat na pototoy ko pero naaalala ko pa rin ang mga natutunan ko sa catholic school na pinasukan ko- "dont do unto others what you dont want the gift you got last christmas." oo nga pala ber-months na.. hmmm.. hmmm.. hmmm.. (interlude) badtrip talaga dinaan ko na lang sa kain, sky's the langit na paglamon parang wala'ng bukas. naka-tatlong rice nga ako sa pantry that night, kumain ako ng tatlong balot (at pagbukas ko balot talaga) paglabas ng trabaho, kumain pa ng isang order ng palabok na may kasamang pritong ebon (ebon ang kapampangan para sa itlog, seguro dahel magegeng ebon yun paglake), at paguwi bumili pa ko ng donut na walang fucking hole. packing sheet, malapit na pasko.. tagal ko na hindi nakikita si jen.. hmm.. hmmm.. (interlude) at nagtext si jonas hindi makapasok ng apartment bwahaha.. geh.

Huwebes, Setyembre 11, 2008

yin, ngarag ka na ba?

waah, anamputik.. habang nagpipindot ako ngayon parang fita spreads na nagdadalawa tong bwakanang inang kibord na to. gusto ko na talaga matulog at isa pa i wanna sleep na, kasi im sleepy na, at im sleepy pa. sabaw na utak ko, pwede mo pagsawsawan ng pandesal at higupin ng walang paalam hindi matutusok ang mata mo ng bolpen. wala kasi ako sa mood manungkit ng mata, at isa pa wala akong bolpen. tsaka ubos na calamansi sa pantry kaya wala rin akong pagsasawsawan. ayokong suka, masakit sa puwet. koneksiyon? DSL. kalahati na lang ng monitor ang nakikita ko, napansin ko na lang limang minuto na pala akong nakatitig sa celesteng 'monitor na to. galing sa shift nung miyerkules lumabas ng alas 3 ng maagang umagang umaga nainom kami walanghiya alas 9 na ko natulog tapos nagising ng alas tres yata, tas pumasok kagabi ng alas 8 eto labasan ng alas singko ng umaga sa morning at mind you pare, wala lang, mind you. sige lulogtu na ko siguro..


ay kailangan pa pala umuwi bago matulog.

kailangan ko pa pala mag-log out bago umuwi.. bago matulog..

kailangan ko pa pala tapusin to, bago mag-log out, bago umuwi.. bago matulog..

anamputik tapusin mo na yin..

sige na nga.. wala ka ng no choice..

puto't dinuguan lang talaga. connection?

DSL.