trip na trip ko mag-blog kanina, pero pagdating ko dito
sa net cafe ni pare'ng kenneth wala ko maisip ilagay..
nakakainis, punong puno ka ng ideas pero wala ka magamit
na computer.. so much for an 8-5 warrior.. kung may sarili
lang sana kong PC, aarrrgghh. kinig ka sa YouTube ng music
videos para kahit paano ma-inspire ang inaamag mong utak
(salamat sa weather, mainit tapos biglang uulan, uulan ng bitin,
tama lang para sumingaw ang init ng aspalto, tama lang para
masira oras mo) at kapag nakikinig ka na ng gusto mong
tugtog inaantok ka naman.. madalas nagiging creative daw
ang utak ng tao kapag hindi ito pinipilit.. palagay ko nga, hehee!
mahaba na rin itong na-type ko eh!
ito na lang muna, baka ganahan pa ko madami pa ko isulat
dito, late na ko for work. asaan na kaya yung ballpen ko dito..
Miyerkules, Oktubre 17, 2007
nothing but nothings
Ipinaskil ni
yiN
sa
Miyerkules, Oktubre 17, 2007
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento