like the mighty and graceful bamboo we must dance with the angry winds and remain standing after the storm.. take the lashes, and be proud of our battlescars.
isa sa milyon-milyong matatalinong engot at astig na pilipino'ng walang trabaho at sa kasamaang palad ay naging empleyado ng gobyerno, noon pala yun. kustmer servs rep na ko. isang dating jedi knight at mahilig manood ng game shows. ako ay ipinanganak nang umire ang mahal kong nanay may dalawa't kalahating dekada na rin yata ang nakakaraan. nasa hustong gulang para tumawid mag-isa sa kalsada, manuod, makinig, mag-obserba, mag-isip, magbasa, mangulit, kumain, mainip, at gumawa ng blog gaya nito.
mahilig ako sa binagoongang baboy, ginataang kuhol, sinigang na palaka, ginisang ampalaya, magaan at malambot na pares ng sapatos, mga magagaling na bandang pinoy gaya ng pan, sandwich, urbandub, bamboo, at hale. mahilig ako sa magaganda at mababait na babae, malamig na beer, mainit na kape, pandesal at liver spread, unmatched socks at sisig.
ayoko ng magaspang na pantalon, magaspang na ugali, chico, kilaweng hipon at suka'ng pula.
takot ako kay sadako, sa buro'ng isda at kay mahal.
pangarap ko sumikat ang blog ko, maging astronaut, at bilhin ang smart telecom.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento