Martes, Disyembre 4, 2007

talaga naman..

nanunuod ako ng tv...

korina sanchez: ces, ano situation diyan?

ces drilon: korina, nalaman ng magdalo group na naglanding ang skepik ni kokey sa Manila Pen, gustong agawin ni Sen. Trillanes ang chepeka para maging makapangyarihan na siya!!

korina: ganun ka-desperado??!! eh ano ang ginagawa ng AFP at PNP?!

ces: tinext ko na si Gen. Razon, hindi pa nagrereply eh, sus! delayed na naman ang messages!

korina: eh dapat tinawagan mo na lang?

ces: ang hirap kumontak gamit yung call sa unli20 ko eh, pati yung sa *883 wala din! korina nagkaka-putukan na dito, papasok na ang mga marines...



[maririnig ang putukan at biglang magco-commercial break.. una ad ng isang brand ng isang diaper..]

wuh-lah.. kang.. ih-kyu!!

[oo, walang ihkyu mga yan..]

susunod ang ad ng MERALCO, yung:

"may liwuuhh-nag-ang-buuuh-haay... !"

at ang nakakaasar, biglang nag-brownout.


kaya lumabas ako ng bahay para bumili ng red horse, yosi at boy bawang, medyo malamok, pagdating ko sa tindahan ni ate gina biglang nagka-ilaw.. sakto tapos na ang palabas sa channel7, yung ginawan ng SANDWICH ng kanta.
"zaido! parating na ang mga zaido!"
hmmm.. palagay ko kailangan na talaga natin ng mga pulis pangkalawakan na yan, para lumaki naman ang binibili kong pandesal sa umaga kahit paano. kasi naman, ang gulo na nga pinapagulo pa.
ubusin ko lang to tapos uwi na 'ko.
oo nga pala, yung kwento-kwentuhan ko gang dun na lang.

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wahahaha ok ah!