Martes, Agosto 5, 2008

ngoorrkzz..

nahalata ni ronnie [trainer namin sa product training (redundancy in da hauz!)] kanina na inaantok ako hahaha.. "are you sleepy yin? i saw you ate a lot during lunch.." kasi ba naman nilagay nina jonas, joanne at trish lahat sa food tray ko mga bowls ng extra rice at soup nila??! hindi akin lahat yun nuh, naka-dalawang extra rice lang ako tsaka dumekwat ng isang kutsara sa tray ni thermos boy.. bwahahaha! eh taena namang hangover kasi eh, gulay na ko kanina as in lanta na as in gusto ko na mahiga sa sahig as in kunwari nakalagay ang hintuturo ko sa temples ko pero sa totoo lang eh tinutukuran ko na kilay ko kasi talagang babagsak na as in! as in! asin nga diyan oh saksak ninyo sa ilong ko! sana sapian ulit ako ng halimaw na lobo'ng may pito'ng buntot at pataasin level ng chakra ko para malampasan ko ang product training nang maayos.. hindi lang maayos, sana makakuha ng mataas na grade!
nakuha na namin mga checks namin kanina for the relocation package, half nga lang.. at half na nga lang hindi ko pa na-encash.. arte naman kasi nung teller sa unionbank hindi na-honor yung isang i.d ko.. ang ibig sabihin nun babalik ako mag-isa bukas sa angeles, sasakay ng dyip, may makakasakayang chik, mangungulangot ako, ngingiti siya, makukuha number niya, bababa ako sa tapat ng unionbank, ipapalit ang cheke, magdarasal na huwag umulan, uuwi pabalik ng silks, at matutulog. si chik maghihintay ng teks. kumusta naman yun? dapat pala nag-bag na ko kanina, hindi ko tuloy nadala NBI clearance ko. zzzZzzZzz... [--]

Walang komento: