kagabi:
bantrip. na-log out ako sa avaya ko. mali daw napindot ko habang nasa lunch ako. ayoko maniwala.. kasi ma-pride ako. at hindi ako ulyanin, sa tingin ko.. siguro. pero na-log out na nga ko eh. ano ginagawa ng team-lead ko? WALA. kailangan ko pa ba i-detalye? HINDE. ginawa ko log-in ule ako at tumanggap ng tawag mula sa mga makukulit na kano, tutob ang mukha sa monitor, iniisip kung bakit hindi sisig ang ulam sa pantry, nagko-concentrate na halos mautot, sinusubukang pasabugin ang computer gamit ang kapanagyarihan ng mind power pero nakalimutan ko apat na four hours na lang at dose oras na kong gising.. pagkatapos ng tatlong oras na tulog kahapon. sige bukas ko na lang pasabugin.
kanina:
tulog.
kani-kanina lang:
nanuod ako ng white chicks. oo kanina ko lang napanuod yun. tas naligo. nagbihis. nagsipilyo. umalis.
ngayon:
nasa harap ng monitor siyempre. ano ba iniisip mo?
mamaya:
ewan di pa sigurado, may susunduin akong kaibigan sa terminal.. ng bus. walang tren sa pampanga eh.
ngayon ule:
nawi-wiwi ako walanghiya kailangan ko bumalik ng apartment!
moral lesson:
wala.
eto baka pwede:
"wag iinom ng isang pitchel na grape juice habang nanunuod ng dvd kung kakalimutan mo wumiwi at may pupuntahan ka pala kasi matataranta ka lang"
heto ang malupit na twist:
nung isang biyernes ko pa dapat pinoste ito. salamat sa grape juice.
Miyerkules, Oktubre 8, 2008
grape juice
Ipinaskil ni yiN sa Miyerkules, Oktubre 08, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento