mga dapat tandaan pag gusto mo ng magpakasal:
-pag-isipang mabuti ang desisyon.
-pag-isipan ulet.
-pag-isipan pa.
-oo, pag-isipan pa rin.
-pag sawa ka na kakaisip pag-isipan mo pa rin.
-kung hindi pa sumasakit ang ulo mo at hindi ka pa nahihilo sa kakaisip kung gusto mo na talagang magpakasal ibig sabihin biased ka, sarili mo lang ang pinapakinggan mo. puno na ng tutuli ang kaliwang tenga mo, antataas na ng damo sa butas ng ilong mo, sa paligid ng puwet mo, sa kilikili mo, at mayroon ka ng myopia- ayaw mo ng tumingin sa malayo. dude, kailangan mo muna magpahangin at mamasyal..
-labas ka ng bahay at maglakad by the highway malay mo may masalubong kang jeep. pare, payo lang huwag mo salubungin yung jeep, hindi pa tapos itong post ko.
-madami kang aral na mapupulot sa mga signs at billboards, at baka makatulong pa sa pagsapit mo sa hinahanap-hanap-hanapa-hanap mong desisyon-sisyon-sisyon... sisyon.
-sisyon.
-makulit ba? ganyan ka dapat kakulit sa sarili mo. ang pagpapakasal ay isa sa mga pinakamabigat na baitang sa buhay. pero hindi ko pa sinasapit yan. eh ano ginagawa ko dito nagsususulat tungkol sa pagpapasakal?? ewan ko, lagi sinasabi ni lola mahirap mag-asawa eh. (kaya siguro nag-asawa si lola)
-unang sign na makaka-engkwentro mo: "BAWAL UMIHI SA PADER"
(ang pilipino sa pader madalas umihi kaya sa pader madalas nakasulat ang babala'ng ito. mahilig ako magdilig sa open space pero hindi ako pwedeng pagbawalan kasi hindi nila malaman kung paano isulat ang "bawal umihi sa hangin" isama mo pa "multa: p500.00, walang resibo").
aral: hindi bawal umihi sa pader, huwag ka lang magpapakita sa may-ari neto.
hindi bawal magpakasal, pero banggain mo muna ang mga pader.
-"DITO ANG BABAAN"
gusto mo na ba talagang bumaba? ang sarap mag-joyride sa pagiging single, tol.
-"HAPPY HOUR 11:00-4:00"
fontanamitz kelangan pa ba ipaliwanag yan?
-"APARTMENT FOR RENT"
walang metaphorical meaning, pare may sariling bahay ka na ba ha?
-"MAG-INGAT SA ASO"
mag-ingat sa aso, ingatan mo buhay mo, at ng taong niyayaya mong sumama sa iyo.
-"NO PRESERVATIVES ADDED"
(hindi mo makikita sa kalye to dude, sa lata at mga pakete po. sa gilid ng kalye at kalsada tumingin ka madaming nakakalat.)
maganda ang extenders at preservatives sa buhay ng dalawang pusong gustong magsama ng habambuhay. bahala ka na kung paano mo ipi-preserve ang samahan. (packing sheet corny yata isang ito.. )
-"SINANDOMENG p1000.00/kilo"
anamputik, pare ang hirap maghanap ng signs, ano nakapag-desisyon ka na ba ha?
-"WE DELIVER"
hindi pa ko nanananghalian pare last na muna ito next time ulet, huwag ka munang magpapakasal, to be continued to sa itutuloy!
aral: ano mang desisyon sapitin mo siguraduhin mong you deliver.
putik, may post na naman ako yahuuuuuu.
Biyernes, Oktubre 24, 2008
kalas, kulasisi, kalaboso.
Ipinaskil ni yiN sa Biyernes, Oktubre 24, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento